Tinitigan ko ang kama ko; punong puno ng kalat kalat na readings, hand outs na puro drawing ang likod, mga notebook na nakakapang-hina basahin sa sobrang pangit ng sulat at mga loose paper na hindi mo mawari kung bakit nandito e reading materials pa to last sem. Hindi ko alam kung naduduling na ba ako pero parang libo libo at tone-tonelada na ang kailangan kong basahin. Nalulunod na ako sa mga salita dahil unti-unti nang pinapasok ng antok ang baga ko. Pero hindi ako nakatakdang mamamatay ngayong gabi. Bukas pa, sa PH 404 kung saan pilit pipigain ni Sir ang utak ko sa nakakadugong essay questions, at kung saan wala siyang mapipiga kundi ang litro litrong kapeng tinira ko ngayong gabi. At pag bumagsak ako baka ituhog na ng mga magulang ko ang utak sa stick para maging isaw dahil sayang ang pinapaaral nila sa akin.
(Grabe, muntik ko nang maihalo yung off lotion sa tinitimpla kong kape.)
Tumitig nalang ako sa bintana, at isinaksak ko sa tenga ko ang earphones na dahil super “high tech” kailangan mo ng signal (kasi pumupugak na yung kaliwa). 5 minutes, 5 minutes lang at kunwari wala akong exam, summer ngayon and I have all the time in the world.
….
….
….
30 minutes na ang nakakalipas at tatlumpung tabs narin ng youtube ang nakabukas kay Bilis (ang masokista kong laptop). Shit.
Shit.
At dahil dyan, tumitig nanaman ako sa kawalan. Akala ko rin mag-aaral na ako. Pero siguro lasing narin ako sa gabi, kaya nilasap ko nalang ang pag-pugak ng kaliwang parte ng earphones ko. Pero napatingin ulit ako sa kama ko, at sinampal ako ng realidad. Shit. Solid.
*some text missing*
NIGHTNIGHT by DEDDY